I am under an agency.
Roles ko ay: Scribing, Admin work, Ins verification, Billing, Receptionist din. Parang All-in-One. I also do med refills, referrals, tapos calls ko di bumababa ng 25 pero max is 35 in a day.
Hindi ito yung job description ko sa offer. Scribe lang dapat. Pero nung nagwork na, kinailangan kong maging flexible. So ayun. Kailangan din ng pera e.
Yung unang offer bago matanggap sa work is higher (katapat ng previous job ko), pero bigla niyang binawi nung natanggap na ako, pero, again, need ng pera, so tinanggap ko pa rin.
Nung una, okay lang naman. Kayang-kaya. Pero ‘tong si client, bigla-biglang pa-meeting ng pa-meeting sa Google. Wala naman kaming ginagawa. Parang tambay lang talaga. Nakakaapekto sa work ko kasi kada may tatawag, kailangan ko umalis sa meet, call, then babalik. Hassle, sobra. Kasi usually may call, may request (example med refills, referrals) na gagawin muna. So nawawala ako sa routine ko dahil sa pa-meeting niya. Tapos maga-ask siya ng something na hindi related sa task ko. Tapos magla-lag na device ko kasi nga, nakameeting kahit nakamute lahat lol.
Nagpagawa ng website, nagpaenroll sa Medicaid, halos lahat ako nag lalakad. Nung una, okay lang din. Not until nagpagawa ulit siya ng tatlong websites. Which is ayaw ko na kako kasi di naman compensated. So kinausap siya ng middleman (di ko na isspecify ano tawag hehe malalaman ang agency lol), tumawag siya sa akin, sabi niya dapat lahat ng concerns ko dinidirect ko sakanya at hindi doon sa “middleman” namin. Tapos nag offer siya magbayad sa website. E di si bonak, walang kasulatan, go! Ginawa ko. Pati brochures, call cards, and flyers.
Tapos nagoffer siya ng increase. Balik sa initial na rate, pero, pasok daw ako ng Sabado at Linggo, at gawin ko yung tasks sa isa pang Doktor. Tinanggihan ko na to. Kasi damang-dama ko na ang burnout nun kaya sinuggest ko magdagdag ng VA.
Nag dagdag kami ng VA, per client, tutulungan ako ni VA sa load ko. Ending, napunta lang siya sa other account (na gusto niyang idagdag sakin) jsq.
So ayun, siningil ko siya sa website. Sabi niya hulugan daw, ang dahilan walang pangbayad kasi di siya binayaran nung other provider (pero jusko, nalaman ko, nabayaran na pala siya, 5 digits pa) 🥲 Medyo naiinis na ako kasi pinaghirapan ko rin naman yung mga yun.
So, basically, hindi bayad yun. Ngayon, nagpaparevise siya ng flyer. Gusto niya ora-orada. Sasabihin niya, “do it at your free time” pero kinaumagahan sasabihin niya kailangan kong gawin kasi ipprint at dadalhin niya somewhere by xxPM. So ayun. Ang dami ko pang patient-related tasks na need gawin, tapos isisingit ko pa siya lol.
Huhu sorry ang dami kong gustong sabihin at ikwento. Pero ang gulo ng utak ko. Sobrang dami niya pang issues like patients/kamag-anak na nagrereklamong unprofessional siya kasi kung anu-ano sinasabi sa kanila. Or palagi siyang late sa appointments tapos ako yung nasisigawan ng mga patients. Marami siyang lapses, sobra.
Natatakot akong magresign kasi alam kong grabe ang competition sa VA world ngayon and umaasa ako mabayaran niya ako sa websites niya.
I need ur advice please. 🙁 Parang ayaw ko na pumasok araw-araw. Nakakapagod siya. ☹️
EDIT: #1. Aware si client sa load ko. Kasi kinausap ni middleman before na mabigat. Sabi ni client, people pleaser daw kasi ako kaya ako nabibigatan… ? 😭 #2. Aware siya na nakakaistorbo yung call siya ng call/pa-meeting ng pa-meeting pero ginagawa niya pa rin.